Deployment ban ipinalilinaw sa Malakanyang

PINAGPAPALIWANAG ng Senado ang Malakanyang kaugnay sa pagpapalabas ng deployment ban ng Overseas Filipino Workers sa 41 bansa.

Ayon kina Sen. Loren Legarda at Francis Escudero, kailangang linawin ng Palasyo dahil nakataya ang kapakanan ng mga mangagawa sa ibayong dagat at relasyon ng Pilipinas sa 41 bansa.

Kinastigo ni Legarda, Chairman, Senate Committee on Foriegn Affairs ang Palasyo, maging ang Departtment of Labor and Employment (DOLE) at Department of Foriegn Affairs (DFA) dahil sa kawalan ng koordinasyon.

Ipinaliwanag ni Legarda na ang DOLE ang nag-apruba ng resolusyon ng POEA na nag-uutos ng deployment ban sa 41 bansa na umanoy walang kaukulang sapat na batas para tiyaking ligtas at protektado doon ang OFWs.

Pumalag naman ang DFA at iginiit na ipagpaliban ang deployment ban dahil sa manganganib ang diplomatic relation ng Pilipinas sa 41 bansa.

Duda ang senadora dahil mahirap na pagtiwalaan ang DOLE at DFA sa pagtiyak ng proteksyon sa OFW’s dahil sa nagaganap na salpukan ng dalawang ahensya.

Sa panig ni Escudero, Chairman, Senate Committee on Labor, dapat na tiyakin ng Palasyo na maayos ang koordinasyon ng mga kabinete nito, kasabay ng paglilinaw kung matutuloy ba o i-ho-hold ang deployment ban.

Sa kabila nito, pinuri naman ni Escudero ang POEA at DFA sa ginagawang aksyon dahil sa nakikita ang determinasyon na protektahan ang OFW’s alinsunod sa Migrant Workers Act.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply