Deployment ban sa 41 bansa ipinagpaliban

INIHAYAG ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na ipinagpaliban muna ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagpapatupad ng deployment ban sa 41 bansa na una nang natuklasang hindi nakakasunod sa amended Migrant Workers Act  o Republic Act 10022.

Ayon kay Baldoz, na siya ring governing board chief ng POEA, inaprubahan ng ng nasabing ahensya ang 90-day deferment period o pagpapaliban sa pagpapatupad ng deployment ban, alinsunod na rin sa kahilingan ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Nagpasa na aniya ang POEA governing board ng resolusyon para i-grant ang 90-day deferment period.

Nobyembre 2 nang inilabas ng POEA ang Board Resolutions 6 at 7 na nagsasaad ng listahan ng mga bansang ‘OFW-friendly’ at ng listahan ng mga bansa kung saan magpapatupad ng deployment ban dahil sa kawalan ng mga batas na puprotekta sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFW).

Magiging epektibo sana ang naturang ban sa Nobyembre 18 ngunit inaasahang sa susunod na taon na ito maipapatupad bunsod ng deferment period na inilabas ng POEA.

Una nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, nais nilang i-delay ang effectivity ng ban upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Philippine diplomats na makipag-usap sa mga apektadong bansa at maiwasan ang posibleng diplomatic backlash nito.

Bibisitahin din umanong muli ng DFA ang 41 bansa na apektado ng ban upang muling pag-aralan ang working conditions doon at hikayatin ang mga ito na mag-comply sa RA 10022. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply