Derek Ramsay mag-o-over-da-bakod na rin sa TV5

TALK of the town ang pag-o-ober da bakod diumano ni Derek Ramsay sa TV5 at almost done na raw ang negotiation, sumabog din ang balita sa Twitter Account ni Angelica Panganiban na naaksidente.

“Please pray for Dereks fast recovery. He got into an accident from frisbee. Broken arms. Needs operation tmrw (Monday)… Thank you guys”

“why :( alternate lang tayo sa hospital….. Ang lungkot lungkot ko,” tweet pa rin ni Angelica.

Pagaling ka Derek. Mapapanood siya ng live sa Zirkoh, Morato sa January 21 kung saan Pre-Valentine Concert ni Ai Ai Delas Alas kasama si Matteo Guidicelli. Fund raising show ito ng National Press Club para sa kanilang  medical at educational assistance program.

-0o0-

Tinanong  si Raymond Gutierrez kung ano ang nararamdaman nito sa tuwing na i-involved ang ina sa mga kaso at away gaya kay Nadia Montenegro, at ang sagot ni Raymond…

“You know as much as I want to have an opinion or as much as I wanna get involved, I really don’t know the nitty-gritty of the lawsuits filed against her. All I know is that my mom, my parents and my family, we were good to Nadia and her kids, and I just don’t wanna prolong this na because honestly they are really irrelevant to me.

“So as much as I wanna say stuff I don’t wanna prolong it na kasi hindi sila kawalan sa buhay ko.”

Kapag nakikita niya si Nadia or si Ynna, does it affect the relationship with them?

“No, I just don’t mind them, I have no reason to say hi to them, I have nothing to say to them, so as if they’re not there,” sinabi pa ni Raymond.

-0o0-

Potensyal at kaabang-abang naman talaga ang “Manila: Kingpin: The Asiong Salonga
Story” dahil hindi ito tinipid.

Dadalhin ang mga manonood sa circa 50 kung saan ang naghahari ay karahasan at baril.

Kaya nga ba nabuhay ang kasabihang ‘Ang taong nabuhay sa baril, sa baril din mamamatay’. Sa apat na installment ng pelikula para sa buhay ni Asiong Salonga, ang kay Gov. ER Ejercito ang talagang pinagbuhusan ng matinding panahon at pinag-aralan nang husto ang mga tunay na pangyayari sa buhay ni Asiong. Ang first version ay ang kay former President Joseph Estrada, pangalawa sa yumaong si Rudy Fernandez, at pangatlo ay kay Jeorge Estregan nu’ng 1988. Kaya nga ba kahit pang-apat na version na itong MMFF 2011 entry ay marami pa ring matutunan na aral sa buhay ni Asiong Salonga.
Itotodo at ibubulatlat lahat ang kuwento ng buhay niya.

Nagmarka rin ang  sinabi ni Asiong Salonga na “It is  better to die in the hand of an enemy. But it is bitter t0 die in the hand of a friend”.

Kasama  rin sa ‘Asiong Salonga’ sina Carla Abellana, Valerie Concepcion, Paloma Esmeria at Jaycee Parker.  Tampok din ang mga magagaling na artista gaya nina Phillip Salvador, Robert Arevalo, Perla Bautista, Baron Geisler, Yul Servo, Ping Medina, Ketchup Eusebio, Dennis Padilla, Roi Vinzon, John Regala, Ronnie Lazaro, Joko Diaz, Jay Manalo atbp.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply