Desisyon ng SC ipinarerespeto ni Midas

HINILING ni Supreme Court spokesman Midas Marquez na irespeto ang naging kautusan ng Kataas-taasang Hukuman sa pagharang sa watchlist order laban sa dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na makapagpagamot sa ibang bansa.

Ito ay makaraang magpahayag si Justice Secretary Leila de Lima na haharangin nila ang travel abroad ng mag-asawa kahit may utos pa ang Supreme Court dahil hindi pa umano nila hawak ang desisyon ng SC.

Kasabay ng pagpayag ng SC na makapag-travel abroad si GMA ay ang mga kondisyong pagpo-poste ng P2 milyon cash bond, pagtatalaga ng representative na tatanggap ng orders at subpoena sa kanilang mga kaso at pagsasabi kung saan man sila pupuntang bansa sa pamamagitan ng pagpunta o pagtawag sa embassy at consulate officials.

Mismong si Atty. Ferdinand Topacio ang nagkumpirmang siya ang nahirang ni GMA na maging kinatawan nito.

Nilinaw naman ni Midas, na maaari nang makalabas ng bansa si GMA matapos matanggap ng mga abogado ni GMA ang hard copy ng TRO ng SC at agad na nag-comply sa kondisyon ng Korte Suprema tulad ng pagbabayad ng piyansa at pagtatalaga ng mga representative para sa kanyang mga kaso.

Nabatid na unang tutungo si GMA sa Singapore, diretso ng Germany bago sa Spain.

Tiniyak naman ni Midas na mahaharap sa kasong contempt sa hindi susunod sa ruling ng SC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply