Mister na nagsawa sa pagiging dukha, nagbigti

SA SAHIG na nakita ang bangkay ng isang mister na sinasabing nagbigti dahil sa kawalan ng pag-asang makaaahon pa sa kahirapan sa Valenzuela City kaninag umaga.

Nakilala ang biktima na si Abelardo Sunga, 52 at taga-Salazar St., Parada ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga, laking gulat ng asawa ng biktima na hindi na nakuha ang pangalan nang makita si Sunga na patay na sa ilalim ng kanilang hagdanan.

Lumalabas na nagbigti ang biktima gamit ang sinturon at napatid ito dahilan upang mahulog at pumutok ang ulo nito.

Bago ang insidente, nabatid na dumaraing lagi ang biktima dahil sa hirap ng kanilang buhay lalo na kung nakakainom ng alak hanggang sa makitang wala ng buhay.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang mga pulis upang alamin kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply