Determinado na maiangat nang mabuti ang bansa

DETERMINASYON. Ito ang mababakas sa mukha ni Pang. Noynoy Aquino sa tatlong araw na nitong  pagdalo sa 2011 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) kasama ang mga leader ng iba’t ibang bansa.

Ayon kay Executive Sec. Jojo Ochoa, laging determinado ang Pangulo dahil nais niyang maiangat nang mabuti ang kalagayan ng bansa at mamamayang Filipino.

Hindi mapag-iiwanan ang ating bansa sa pagsusulong ng kaunlaran sa Asia-Pacific at tinitiyak ito ng ating Pangulo, ani pa ni Ochoa.

Ang Apec ang pangunahing lunsaran ng mga talakayan para sa pagpapabilis ng kaunlaran, pagtutulungan, kalakalan at pamumuhunan sa Asia-Pacific Region.

Binubuo ng 21 bansa  ang “member economies” na kumakatawan sa 40% ng kabuuan ng populasyon ng mundo na kailan lamang ay pumalo na sa 7 bilyon.

Pagkarating ni PNoy sa nasabing bansa ay nagpahinga lang ito ng sandali pagkatapos ay kaagad na nagtungo sa Sheraton Waikiki para naman makilahok sa isang panel discussion hinggil sa Commodity Security for Economic Growth.

Nakaharap ni PNoy ang iba’t ibang leader ng iba’t ibang bansa.

Naganap ang APEC-CEO Summit noong ika-11 hanggang ika-12 ng Nobyembre  na dinaluhan ng mga tanyag na kinatawan ng pribadong sektor, pamahalaan at akademya.

Tinalakay sa summit ang mga paraan para mapabuti ang public-partner partnership na isa sa mga isinusulong ng administrasyong Aquino.

Loteng sa Catanduanes, pader

PADER pa rin hanggang ngayon ang operasyon ng lotteng ng mga alipores ni Catanduanes Gov. Joseph Cua sa nasabing rehiyon.

Wala kasing ipinangangalandakan ang mga alipores ni Cua na sina Greg at Cham kundi ang kanilang among si Gov. Cua.

Lotteng, lotteng!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply