DFA, POEA sinermunan sa deployment ban

NAKATIKIM ng sermon kay Cagayan Rep. Jack Enrile ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa inilabas na deployment ban na nagbibigay ng kalituhan sa publiko lalo na sa overseas Filipino workers (OFW).

Reaksyon ito ng kongresista matapos mangamba ang OFWs sa deployment ban sa may 41 bansa na muling binawi ng DFA at POEA sa pagsasabing “act and speak as one.”

Giit pa ng kongresista na hindi lamang mga OFW ang maaaring mailto sa pahayag na ito kundi maging ang mga bansang pinagbabawalan sa mga OFW na puntahan dahil sa kawalan ng mga labor law na magbibigay proteksyon sa mga dayuhan.

Nilinaw din ni Enrile na ang deployment ban ay pagtugon lamang sa Republic Act 10022 ng 2009 na nag-aamiyenda sa Republic Act No. 8042, o mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995 na naging epektibo ng March 8, 2010, na nagsasaad na ang deployment sa OFWs ay doon lamang sa mga makapagbibigay ng proteksyon sa mga OFW.

Dismayado si Enrile sa biglang paghahayag ng POEA sa deployment ban sa may 41 bansa ngunit bigla namang binawi ng DFA na humingi pa ng tatlong buwang palugit kung saan nakatakda sanang ipatupad sa November 17,

“The lack of basic coordination and communication between the DFA and POEA has left the public wondering what the government’s official stand on this issue is. In meantime, thousands of OFWs and their families are left hanging in the air,” ayon kay Enrile.

“This confusion could have been avoided if only the issue was extensively discussed between DFA and POEA before any policy announcement was done.”

Giit pa ng kongresista na naiwasan sana ang kalituhan kung nag-usap muna ang DFA at POEA bago nagpahayag sa publiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply