DFA tinututukan ang Pinoy na sugatan sa aksidente Saudi

BINABANTAYAN ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pilipinong Muslim na sugatan sa aksidente sa Saudi Arabia.

Dadalo sana sa HAJ Pilgrimage sa Mecca ang mga sugatang Pilipino bilang bahagi ng kanilang obligasyon bilang Muslim.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, 55 Pilipino ang sakay ng bus na nagtangkang mag-overtake ang sasakayan subalit nawalan ng control kaya nagpagewang-gewang na nauwi sa aksidente.

Lima ang nasa kritikal na kondisyon, tatlo ang nasa Intensive Care Unit (ICU) sa pagamutan at nilalapatan pa ang ilan sa mga kasamang Pinoy.

Tiniyak ni Hernandez na kaagad na rumesponde ang embahada ng Pilipinas sa Jeddah para mabigyang tulong ang mga naaksidenteng mga Pilipino. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply