Di ako ang mastermind– RJ Bautista

UMALMA ang kampo ni Ramon Joseph “RJ” Bautista kaugnay sa akusasyon na siya ang triggerman sa pagpatay sa kapatid na si Ramgen “Ram” Bautista sa Parañaque City.

Sinabi ng Parañaque police na kabilang sa tatlong nakakulong ngayon na mga suspek ang siyang bumaril umano kay Ramgen.

Pero sa isang panayam kay Atty. Dennis Mansanal, abogado ni RJ, 18, itinanggi nito at sinabing haka-haka ang akusasyon na ang kanyang kliyente ang triggerman.

Giit pa ng abogado, hindi dapat ituring na mastermind at triggerman sa krimen si RJ, lalo na kung pagbabasehan ang naging salaysay ni Janelle Manahan, girlfriend ng napasalang na si Ram Bautista, 23.

Una nang itinuring ng PNP na case solved na ang Ramgen slay case matapos na magpadala ng surrender feelers ang iba pang suspek na pinaghahanap pa hanggang sa kasalukuyan.

Nabatid na dahil sa kilalang personalidad ang sangkot sa krimen ay laman na rin ito ng mga balita sa Turkey.

Matatandaang nasa Turkey ngayon ang isa pang suspek na si Maria Ramona “Mara” Bautista, 22, kung saan kasama nito ang kanyang Turkish husband.

Sa kaugnay na balita, malaki ang tiwala ng Paranaque City Police na magtatagumpay ang prosekusyon upang mabigyan ng hustiya ang pagkamatay ni Ramgen gayundin ang pagkakasugat ng kasintahan nito.

Ayon kay Chief Inspector Enrique Sy, hepe ng Station Investigation Division at siya rin ang namumuno ng binuong Task Force Ramgen na ngayon ay nasa korte na ang kasong pagpatay sa aktor at naniniwala siyang magkakaroon ng katarungan ang naganap na krimen.

Aniya, matibay ang kanilang pinanghahawakang ebidensiya laban sa mga suspek at kabilang ang dalawang kapatid ni Ramgen na sina RJ at Ramona Bautista.

Ipinagmalaki pa ni Sy na suportado din sila ni PNP Chief Gen. Nicanor Bartolome at NCRPO chief Director Alan Purisima sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon hinggil sa kaso.

Sa ngayon aniya, patuloy pa rin nilang pinagtagpi-tagpi ang mga salaysay ng hawak nilang mga testigo na umaabot na sa sampu katao ang kanilang nakuhanan ng statement na kabilang ang dalawang security guard ng BF Homes, tatlong kasambahay ng pamilya Bautista at ang drayber na si Nilo Coit, Ronaldo Ancajas, personal assistant ng nasawing si Ramgen, Ruel Puzon, Lloyd Comeda alyas Lim at ang kasintahan ni Ramgen na si Janelle Manahan na patuloy pa rin nagpapagaling sa Asian Hospital.

Inaasahan naman ng Task Force Ramgen na ngayong darating na linggo ay susuko na sa kanila si Glaiza Vista, isa rin sa sangkot sa krimen matapos magpahayag nang boluntaryong pagsuko sa pamamagitan “feelers.”

Sa ngayon, puspusan ang paghahanap ng pulisya sa iba pang mga suspek na sina Glaiza Vista at nobyo nitong si Norwin dela Cruz.

Nangangamba rin ang Parañaque City Police sa tatlo pang nakakalayang suspek sa pagpaslang kay Ramgen dahil may posibilidad ding makalabas ng bansa ang mga ito dahil sa hindi pa naisasampa ang kaso laban sa kanila.

Ayon kay Senior Supt. Billy Beltran, hepe ng Parañaque City Police, dahil sa hindi pa naisasampa ang kaso laban kina Glaiza Vista at nobyong si Norwin dela Cruz at isang alyas Bryan ay puwede silang lumabas ng bansa dahil sa wala pang inisyung hold departure oder laban sa kanila.

Bagama’t alam ng mga awtoridad kung saan nagtatago ang tatlo ngunit hindi nila ito puwedeng arestuhin dahil sa wala silang pinanghahawakang warrant of arrest laban dito.

Umaasa naman ang Task Force Ramgen na boluntaryong susuko ang tatlo lalo na at nauna nang nagpahayag ng pagsuko si Glaiza.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply