Di bale nang walang papa Eugene Domingo ayaw maging matrona

TRUE nga ang chikang may pagka-inuyat itong si Eugene Domingo. Yes, kahit lagare pa ang beauty ng sikat na Komedyana sa iba’t ibang showbiz comitments ay ito mismo ang driver ng kanyang sarili. Hindi feel ni Uge na kumuha ng driver dahil carry-carry naman daw niya. At pagdating naman sa kalalakihan, hindi rin niya type ang gumastos para magkaroon lang siya ng “Papa.”

Say pa nito sa isang interview, ayaw niyang magbigay ng datung sa lalaki at mabubuhay naman siya ng wala ito. Kaysa mag-give ay go na lang daw siya ng gym at gaganda pa lalo ang kanyang katawan.

Well, may mga nang-iintriga kaya malayo sa boys in real life itong si Uge ay dahil tongril (tomboy) raw ito. Naku, naman may tibo bang gusto lagi may kissing scene siya sa mga actor na nakakasama niya sa movie. Saka, may plano rin namang mag-asawa ang nasabing komedyana. Muntik-muntikan na nga siyang magkaroon ng boyfriend na Kano noon di ba?

Naniniwala rin kasi si Uge na kapag dumating na ang right guy for her ay ‘yun ang kaloob sa kanya ng Diyos. By the way, after ng sunud-sunod nitong hit na movies sa Star Cinema, sa Regal Films naman may movie si Eugene at bida siya sa isang episode ng horror movie ng Regal. Reyna gyud!

***

Protege ni Claire dela Fuente na si Jensen Kyra Tenoso suportado ng mga Batangeño

SI JENSEN Kyra Tenoso na protege at talent ni Ms. Claire dela Fuente ang representative ng Batangas City sa Protege na napapanood every Sunday sa GMA after Kap’s Amazing Stories ni Sen. Bong Revilla.

At nandiyaan na nga ang kanyang manager na hindi siya pinapabayaan sa kanyang laban, suportado pa siya ng maraming Batangeño kaya naman sa voting, parati siyang number one sa bawat elimination night. Last Sunday ay nangunguna na naman sa ranking ang alaga ni Ms. Claire na hindi lang maganda kundi a talented singer-performer as well.

Honestly, sa ganda ng timbre ng kanyang boses at husay nito sa entablado, tiyak na makakakuha siya ng place sa Protege at posibleng siya pa ang tanghaling kauna-unahang Protege.

Siyempre after ng contest, nasa plano na ni Claire at ng GMA-7 na bigyan ng solo album si Jensen at pag-aartistahin rin ito on the side. We heard na nakarating na kay Gov. Vilma Santos na pambato nga nila itong si Jensen sa Batangas kung saan siya gobernadora. So, nagte-text brigade rin ang mga Vilmanias bilang suporta nila sa kanya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply