Di kasi nag-trunks: Mga matrona bitin at dismayado kay Derek Ramsay

DI LANG pala ang mga social gays ang present sa ginanap na Fashion Week sa Mall Of Asia na majority nang mga rumampa ay Kapamilya Stars kasama ang ibang modelo. Nandoon din pala ang mayayamang matrona na mga nag-iilusyon o pantasya sa hunk model-actor na si Derek Ramsay. Yes, ang paparu raw ni Angelica Panganiban ang rason kung bakit bumili ng tickets ang mga gurang na ito na mahilig sa Papang sariwa. Kaso, mo how true? Laking turn-off raw ng ating mga Lolah dahil nagkamali sila sa kanilang expectations na rarampang naka-trunks si Derek lalo pa’t sa promo ads ng nasabing fashion show ay naka-underwear talaga ang mga sexy male and female models. Anyway, noong si Derek na raw ang lumabas sa entablado ay shirtless nga ito pero nakapantalon naman.

Dialogue pa ng mga matronang nabitin dahil, hindi nga nila nasilip ang bukol ng aktor at nadaya sila.

Sana kasi, sa gay bar na lang nag-go ang mga aging beauties na ito nang lumuwa ang kanilang mga mata sa mapanonood nilang mga macho dancer.

Why not gyud!

***

Registration form n’yo sa Juan For All, All For Juan puwedeng maging 10K

KAHIT na ‘yung mga nanalo na sa Juan For All, All For Juan sugod-bahay sa Barangay ng Eat Bulaga basta’t nakapag-parehistro ka na ng iyo’ng pangalan sa Bulaga Team kahit saan ka pang barangay ay kasali ka na sa raffle draw na ginaganap tuwing Sabado sa Broadway Studio ng Bulaga kung saan kapag isa ka sa limang mabubunot ang name ay may chance kang magwagi rito ng 10K. Yes, bawat linggo ay limang winner ang pagkakalooban ng 10,000 (each) ng nasabing noontime show.

Ito ang isa sa way ng EB Dabarkads para makapagpasalamat sa walang sawa ninyong pagsuporta sa kanilang programa sa loob ng 31 years na.

Anyway, may isa pa silang pa-kontes para naman sa mga texter na puwedeng manalo ng Mini-laptop at 3 winners of 10K naman.

Magtext na gamit ang format na ito, EB Treat 1027/Name and Address send it to 2344 if you are Globe/TM/Sun subscribers,  and to 367 naman for Smart and Talk ‘N Text. So join now.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply