‘Di lang DBP, LBP inutangan din ni Ongpin

HINDI lamang ang Development Bank of the Philippines ang inutangan ng kompanya ni Roberto Ongpin kundi maging ang Land Bank of the Philippines para sa mabili ang Metro Rail Transit securities.

Napag-alaman ni Senador Serge Osmeña na hinati ng Global Air Services, isa sa Ongpin-linked company na may $2 capitalization ang $180 milyong kakailangin para sa naturang securities sa LBP at DBP.

Tinawag ni Osmeña, Chairman of the Senate Banks, Financial Institutions and Currencies Committee, ang nasabing pautang na syndicated loan na nakuha ng GAS noong December 2008, kung saan $90 milyon sa DBP at $90 milyon sa LBP.

Nauna rito, nabatid ng senador na ang GAS ay kinokonsiderang non-existent company sa  ilalim ng batas dahil sa hindi ito nakarehistro para magnegosyo sa Pilipinas bukod pa sa $2 ang capital nito.

Gayundin, hindi naging malinaw kung sino ang nagmamay-ari ng nasabing kompanya pero ang signatories ay ang long-time secretary ni ongpin na si Josephine Manalo at abogado na si Rodolfo Ponferrada.

Binigyang diin ni Osmeña na ang ginawa ng LBP at DBP na pagpapalabas ng pondo ay inilagay nito sa “ extreme risk” ang pagbibigay ng pautang sa GAS.

Naniniwala ang senador na ang pagpapautang ng dalawang bangko ng pamahalaan na nagpapakita ng paglabag sa batas ay malinaw na indikasyon na nanggaling ang kautusan mula sa itaas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply