‘Di makabayad ng utang, lumaklak ng lason

DAHIL sa kabiguang makapagbayad ng P1,000 sa pinagkakautangan kaya nagawang magpakamatay ng 21-anyos na binata sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner kaninang umaga sa Tondo, Maynila.

Sa report, alas 6 ng umaga nang matagpuang patay na si Orlando Cendena Jr., ng 2770 Benita St. Juan Luna Gagalangin, Tondo, Maynila.

Dakong 11 kagabi naman ng huling makitang buhay ang biktima nang manghingi pa ng silver cleaner sa kanyang kaibigan.

Hindi naman akalain ng kaibigan na gagamitin iyon ng biktima sa paglalason sa sarili.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagpahiwatig na umano ang biktima sa kanilang kapitbahay hinggil sa balak na pagpapakamatay dahil sa hindi mabayarang utang na P1000.

Wala namang nakitang anumang sugat sa katawan sa biktima maliban sa dugo na lumabas sa ilong nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply