Di nakayanan ang kanser, kelot nag-suicide

DAHIL sa sobrang depressyon na nararanasan dahil sa sakit na kanser, minabuti ng isang 40-anyos na lalaki na wakasan ang kanyang buhay sa pamamagaitan ng pagbaril sa sarili sa kanyang tahanan sa Tondo Maynila, inulat ngayon.

Nakatimbuwang at naliligo na sa sariling dugo sa kama nang makita ang biktima na si Rodelio Liwag,taga-Sevilla St. Tondo, Maynila, ng kanyang misis.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Ramir Dimagiba, naganap ang insidente dakong alas-4:00 kahapon ng hapon (Nobyembre 23) sa kuwarto ng inuupahang bahay ng biktima.

Bago ang insidente, galing umano ang biktima sa Mary Johnston Hospital, kasama ang kanyang ama at asawa para sa regular na check-up niya sa sakit na kanser sa tonsil.

Pagdating sa bahay, nagpaalam umano ang biktima sa kanyang misis na pupunta lamang sa kanilang kuwarto para magpahinga.

Ilang minuto lang ang lumipas at umalingawngaw na ang putok ng baril sa kabahayan dahilan para agad na tunguin ng misis ng biktima ang kanilang kuwarto kung saan bumungad ang duguan nang biktima.

Nalaman din na una nang nagtangkang magpakamatay ang biktima noong nakalipas na buwan ngunit napigilan siya.

Masyado umanong ininda ng biktima ang kanyang sakit na cancer, kakapusan sa pera pantustos sa kanyang pagpapagamot at labis na awa sa sarili dahil sa naging alagain ng kanyang pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply