Di pabor si Ai-Ai sa pandidedma ni Derek sa PMPC!

HINDI itinanggi ni Ai-Ai delas Alas, natensiyon nga raw siya na hindi sumipot si Derek Ramsay sa fund raising show ng Philippine Movie Press Club na The Biggest Lafter held last Saturday (October 29) at Zirkoh-Tomas Morato sa Quezon City.

Special guest sana niya ang aktor dito kasama ng Sakto Boys na sina Rodjun Cruz at Lucky Mercado.

Last minute nang nagpasabi si Derek na hindi makararating dahil maysakit daw. To the rescue naman si Erik Santos na kaagad napakiusapan ng PMPC na pumalit.

“Ang hirap no’ng gano’n,” ani Ai-Ai. “Kasi what if… kunyari lang, ha…kunyari siya ‘yong bida, ako lang ‘yong guest… paano mo ii-explain?

“Mahirap kasing mag-explain sa tao, e. Mahirap talaga lalo na kapag nando’n sila, bumili sila ng ticket kasi gusto ka nilang makita, di ba? Natensiyon ako.”

May iniinda ring problema si Ai-Ai that night. May sakit kasi ang kanyang ina na isinugod nila sa ospital nang araw ding iyon. Pero kinagabihan ay go pa rin siya sa Zirkoh para tuparin ang natanguan niyang kompromiso na mag-show.

“Nakaka-stress actually pero… gano’n talaga, e. Di ba? Alangan namang…hindi ka naman puwedeng mag-perform at umiiyak ka diyan na… nagbayad ba sila para sabihin mong may sakit ang nanay mo? Siyempre hindi naman, di ba?

“Minsan, iyon ang ano ng artista, e. Gano’n talaga.”

Umaga pa lang, nag-tweet na sa Derek sa kanyang Twitter account ng… “I’m sorry Ms. Ai-Ai, hindi talaga ako makararating sa show.”

“Ang sagot ko nga nang tumawag si Derek sa cell phone para mag-sorry sa mga tao na nag-expect na darating siya at makikita nga siya… no apology, just kiss me and do’nt dare to fall in love with me!” birong reaksiyon ni Ai-Ai na hiniram pa ang linya ni Anne Curtis na sinabi nito Derek sa pelikulang “No Other Woman.”

Parang wala namang sakit si Derek nang tumawag ito. Ipinarinig pa ni Ai-Ai through speaker ng cell phone ang biruan nila kung saan may nasabi pa siyang…”sayang, hindi ko mata-touch ang puwet mo!”

Tawa lang nang tawa si Derek. Tuloy ay iniisip ng ibang naroon sa Zirkoh na… hindi raw kaya natakot na pumunta si Derek at nagdahilan na lang na may sakit dahil baka i-touch-touch ni Ai-Ai gaya ng nakaugalian na niya sa ibang hunk actors na nakasama na niyang mag-show?

“Aba! It’s his honor! Ha-ha-ha-ha! Na… ma-touch ko siya!”

Si Vic Sotto pala na katambal niya sa sinu-shoot nila ngayong Ang Tanging Ina Meets Enteng Kabisote, may nasabi kamakailan na… nagkatusukan na raw sila ni Ai-Ai.

Ano bang tusukan ‘yong nangyari?

“Naghalikan na kami!” napahakhak na sabi ni Ai-Ai. “Kaso may twist do’n. Kaya do’n kayo manood kung bakit kami nagkatusukan.”

Masarap ba ang sinasabi nila ni Vic na tusukan na iyon?

“Oo, masarap!” sabay tawa ulit niya.

Matagal?

“Ah… very very light lang.”

May preparation pa ba siyang ginawa bago kunan ang tusukan scene nila na ‘yon?

“Meron naman.

“Siyempre nahihiya pa rin ako kay Bossing. Boss ko iyon, e.

“Di ba Boss ko ‘yon? Amo ko iyon, e.

“Nakakahiya pa rin.

“Siyempre parati akong nagtu-toothbrush,” napabungisngis si Ai-Ai. “Nakakatawa kasi panay ang toothbrush ko talaga.”

Sa part 1 at part 2 ng Tanging Ina, nanalo siya ng best actress award. Dito kaya sa movie nila ni Vic, pang-award din ang performance niya?

“Okey lang.

“Okey na ‘yong box office lang. Hahaha!

“Okey na iyon. Meron na akong sa Metro Manila Film festival, e,” patungkol niya sa napanalunang acting trophy sa ang Tanging Ina N’yo, Last Na ‘To sa MMFF last year. “Okey na iyon na kahit isa, meron na ako.”

Nakakadalawang best actress trophy na rin siya sa PMPC Star Awards For Movies (2007 for Ang cute Ng Ina Mo and 2010 for Ang Tanging Ina N’yo, Last Na ‘To). Ngayon naman, nominated siya for Best Single Performance By An Actress sa nalalapit na PMPC Star Awards For Television para naman sa mahusay niyang pagganap sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

“Thank you po. Marami pong salamat. Thankful ako at na-nominate ako.”

Sa ilang beses na niyang pananalo ng award, nai-excite pa ba siya na muling tumanggap ng best actress trophy sakaling suwertehin na naman siyang magwagi?

“Siyempre naman. Kasi iyan ‘yong pampalakas ko.

“At saka looking forward ako na magkaroon ng award kasi mas lalo ko pang ginagalingan.

“Sa isang artista kasi, ang sarap-sarap na nagkakaroon ka ng award. Kasi inspirasyon mo iyon.

“Na… napapansin ng mga taong magaling ka. Na… pinaghihirapan mo ‘yong ginagawa mo. Masarap ‘yon.”

Oo nga naman!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply