Di pagpapasuweldo sa kinder teachers ibinunyag

DISMAYADO ang isang mambabatas sa hindi pagbabayad ng honoraria sa mga kindergarten teachers na kinuha ng Department of Education (DepEd) sa panimula ng “universal kindergarten” o K+12 basic education program ng gobyerno.

Ayon kay Isabela Rep. Rodolfo Albano, hindi pa natatanggap ng mga kindergarten teachers ang kanilang buwanang sahod sa nakalipas na anim na buwan sama.

Lumalabas sa datos ng DepEd na nasa 29,615 ang bilang ng mga pre-school teachers kung saan 2,299 lamang ang may permanenteng estado.

Habang ang mga contractual teachers ay tumatanggap ng P3,000-P6,000 monthly honoraria para sa apat na oras na daily shift, habang ang mga permanente ay tumatanggap naman ng P17,999 buwanang sahod.

Kung susumahin aniya, 27,316 ang tumatanggap ng sahod na katumbas ng buwanang sahod ng isang kasambahay.

Nangangailangan pa rin ang DepEd ng P5.7 bilyong karagdagang pondo para bayaran ang kukuning mga bagong kindergarten teachers na may regular na buwanang sahod.

Sinabi ni Albano, na kung hindi kayang bayaran ng gobyerno ang P3,000-P6,000 honoraria ng mga pre-school teachers ay lalong hindi nito magagawang kumuha ng karagadagang 103,000 public school teachers o magpagawa ng 66,000 classrooms.

Hiniling ni Albano sa Kamara na maghinay-hinay sa pagpasa sa panukalang K+12 basic education program dahil hindi pa nababayaran ang honorarium ng mga pre-school teachers.

Nasa 1,914,137 bata ang naka-enroll sa kindergarten noong 2010 sa public at private schools kung saan tumaas ito sa 2.5 milyon nitong 2011.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply