‘Di sinuhulan ng Pangulo ang MILF, ABB– Palasyo

PINALAGAN ng Malakanyang ang naging pahayag ng mga obispo na sinuhulan ni Pangulong Benigno Aquino III ang secessionist na Moro Islamic Liberation Front at Alex Boncayao Brigade

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda, na tila hindi aware ang mga alagad ng Simbahan sa tunay na layunin ng pamahalaan sa perang ipinagkaloob sa MILF at ABB.

“You don’t bribe someone who doesn’t believe in the process. Kahit naman…if you end up… The premise is entirely wrong. We do not bribe them. This is a means for them,” ayon kay Lacierda.

Ayaw lamang aniya ni Pangulong Aquino na bumalik sa bundok ang mga ito kaya’t binigyan niya ng tulong–pinansiyal.

“We want to give them programs so that they’ll be integrated back to the community where they should be to be with their families,”anito.

Nakalulungkot lamang aniyang isipin na nagpapahayag ang mga obispo ng walang sapat na pinagbatayang impormasyon.

“Nakakalungkot po ang mga sinabi ng mga obispo dahil I think they’ve spoken out of information that is not amply provided them. ‘Yung aming paliwanag po ay malinaw po. Si Secretary Ging Deles po nagsalita na po ukol dito sa P5 million na ibinigay para sa pagtayo ng Bangsamoro Leadership Management Institute (BLMI),” ani Lacierda.

Aniya pa, ang P31 milyon ay inilaan sa livelihood programs upang hindi na magsibalikan ang mga ito sa bundok.

Na-misinformed umano ang mga obispo tungkol sa nasabing halaga na ibinigay sa mga rebelde.

“It’s unfortunate that they…Perhaps they are misinformed of the situation on the P31-million, what the P31-million is all about—madali lang naman po ipaliwanag sa kanila ‘yon. Kahit naman po si Bishop [Ramon] Arguelles na dating isang military chaplain, ang malungkot na sinabi niya mas marami hong sundalo ang mamamatay,” ani Lacierda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply