DILG bumuo ng anti-kotong task force

BUMUO ng isang inter agency task force ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kontra mga law enforcers na sangkot sa kotong (extortion).

Bukod dito naglagay na rin ang DILG ng kanilang anti-kotong hotline (0918-8882749) kung saan mabilis na makatatawag at makapagbibigay ng impormasyon ang publiko hinggil sa nagaganap na kotongan sa kanilang lugar.

Sa ilalim ng hotline scheme, puwedeng tumawag o kaya’y magpadala ng text messages ang publiko para makapagbigay ng mga detalye gaya ng mga sumusunod:

Ipadala ang petsa, oras at kung kalian nangyari ang kotong incident; lugar kung saan nangyari ang insidente; ang modus operandi ng mga nanghhingi ng kotong at ibigay ang pangalan ng nangongotong.

Tiniyak din ng DILG sa mga impormante na pangangalagaan ang kanilang pagkatao upang hindi mabuweltahan ng kanilang mga isusumbong.

Ayon kay Interior Secretary Jesse Robredo ang Inter-Agency Anti-Kotong Task Force (IAA-TF) ay bubuuin ng mga agents o mga kinatawan galing ng DILG, National Police Commission, Philippine National Police,  Land Transportation Office, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Justice at local traffic enforcers mula sa LGUs sa Metro Manila.

Pinakiusapan naman ni Robredo ang lahat ng transport groups na disiplinahin ang kanilan hanay upang hindi mabigyan ng pagkakataon na makapangotong sa kanila ang mga traffic enforcer.

Inihahanda na ng DILG ang isang memorandum of agreement na nakatakdang lagdaan ng mga ahensiya ng gobyerno na kabilang sa task force.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply