DILG humingi ng tulong kontra paputok

HUMINGI na ng tulong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa puwersa ng Bureau of Fire Protection (BFP)at Phil. National Police (PNP)  Firearms and Explosives Division para sa pag-iinspeksyon ng mga tindahan at pagawaan ng paputok.

Sa pangunguna ni BFP Chief Samuel Perez at PNP- FED Chief Superintendent Napoleon Estilles, kailangan nila ng koordinasyon mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Health (DOH) para maisakatuparan ang inspeksyon.

Nakatakda namang tutukan ng BFP ang mga tindahan at planta ng paputok sa bansa upang tiyakin kung sumusunod ito sa fire safety regulations at standards.

Layunin ng kampanyang ito na masiguro ang kaligtasan ng publiko mula sa mga papautok na itinitinda ngayong papalapit na ang Pasko at bagong taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply