Dinaanan ng 3 trak: tulay sa Apalit bumigay

BUMIGAY ang tulay ng Apalit, Pampanga makaraang dumaan ang tatlong dump truck umaga ng Miyerkules, Nobyembre 23.

Nabatid sa report ng dzBB na nag-collapse ang tulay sa Brgy. Colgante sa Apalit bandang alas 10:15 ng umaga makaraang magkasunod na dumaan ang tatlong dump truck na may kargang mga graba.

“Aming napagalaman may apat na dump truck papuntang Macabebe, dito sa dinadaanan ang Colgante Bridge. Ang naunang truck nakalipat pero … itong tatlo na sumunod sa naunang truck ay na-trap sa loob ng Colgante Bridge nang ito ay bumigay,” ayon kay Apalit police head Superintendent Angelito Esteban sa kanyang panayam sa dzBB.

Nabatid na ang naturang tulay ay may 10 feet na lalim.

Sa kasalukuyan ay hindi pinapayagang dumaan ang mga motorista sa naturang tulay habang wala namang napaulat na nasugatan.

“Itong tulay noon pang 1970 nagawa … Wala na tayo pinapadaan,” dagdag pa nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply