Director siga

SINO ba itong isang director sa mataas na kapulungan ng Kongreso na sobrang siga dahil basta na lamang inihambalang o ipinark ang kanyang sasakyan sa parking lot as in double park ang ginawa.

Ang malupit nito nagsumbong kay matang kuwago ang nabiktima ng kanyang iniharang na sasakyan.

Kaya raw pala malakas ang loob ng director na ito na iharang ang kanyang sasakyan ay nakapaskil ang isang media ID gayong hindi naman siya miyembro ng media.

Iyan din kasi ang mahirap, panay ang pamahagi ng mga media ID kahit hindi naman media kung kaya ang media na nangangailangan ng ID ay walang makuha.

Alam n’yo ba na hindi lang ito ang isang director na may media ID na hindi naman media? Tuklasin na lamang ninyo sa mga sasakyan na naparada sa parking lot ng Senado.

But anyway, hindi iyan ang isyu, ang usapin ay ilang beses nang bumusina at ipinanawagan ang may-ari ng naturang sasakyan subalit walang nag-aalis nito.

Kaya naman naistorbo ang mga ito sasakyang hinarangan ng sigang director.

Ang malupit pa ay ang mga mismong lehitimong media nga ay hindi nagharang ng kani-kanilang mga sasakyan at nagtiyagang mag-park kahit sa GSIS Bldg at sa labas ng parking lot ng Senado.

At take note, hindi isinasabit ng mga ito ang kanilang media ID sa sasakyan kundi sa kani-kanilang mga katawan bilang kanilang identity na iyan ay lehitimong media.

Atat na ba kayo sa clue?

Ang daling hulaan dahil mayroon siyang kapangyarihang hawak pero hanggang sa Senado lamang at mukhang hindi niya alam ang pagkakaiba ng pagiging media at ng puwesto niyang hawak.

Mahilig ba kayo sa RC cola? Puwes, uminom na lang tayo upang lumamig ang ating mga ulo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply