Direk hinayaan si Daiana na ma-lechon sa sunog

HALATANG break na sina Daiana Meneses at ang BF niyang TV/concert director na si GB Sampedro nu’ng masunugan ito dahil hindi niya tinawagan kahit pareho silang nasa iisang condo building nakatira.

“Yes he lives two floors away from my condo pero sa totoo lang, hindi ko…”

Humingi ba siya ng tulong dito?

“No.”

Bakit?

“Kasi hindi ko… first of all siyempre like I’ve said nataranta ako so I was really scared of everything that was happening. Wala sa isip ko na tatawagan ko si GB or anything. I’m sure naman he’s a gentleman, if he knew about it he would go up. “Hindi ko alam kung nandun siya kasi I arrived really late from work and then of course siyempre in-expect mo naman na pupunta yung tao doon.

“Dahil pati na yung ibang neighbors na hindi close sa iyo tinutulungan nila ako so parang…

“Yeah it’s kinda disappointing but it’s okay, maybe natulog siya maybe wala naman siya doon pero ang sinabi ng guard ‘Tinawagan namin si Sir e’, pero wala.

“Pero for me it’s okay, that’s not naman an issue.”

Tinawagan na ba siya ni GB para kumustahin ang lagay niya?

“Ay, wala! No, no he hasn’t.”

May problema talaga ang kanilang relasyon.

“Parang for me that’s a sign na parang kung sino ang dapat importante sa buhay mo na…ang mga friends ko I want to thank them na pumunta sila kaagad doon.”

“So for me parang I don’t want to blame GB for anything kasi he is such a gentleman and ang samahan namin for six months was very amazing and he has never showed anything bad.

“So siguro kung hindi niya ako tinulungan, okay lang yun sa akin kasi nga baka tulog naman talaga siya or maybe wala talaga siya doon sa condo.

“I really don’t know, I honestly can’t speak for that and I can’t say anything about the relationship kasi I dunno kung saan ko mapupuwesto ang sarili ko, so iyon.”

“Let’s not blame GB kasi hindi namin alam kung ano’ng rason niya, kung ano reason or kung nandun siya talaga or whatever,” dagdag pa niya.

Na-announce kamakailan na engaged sila…

“Yes we were, we were, no more na.”

May bad feelings ba siya kay GB?

“Wala kasi parang he showed me who he is after this incident and maybe it’s God advise to me na ‘Tama ka naman hija, na nakipag-break ka sa kanya!’, kumbaga.”

Hindi na siya doon sa condo nakatira.

“No, I will definitely not gonna be back there, no more na. I’ll just take care of everything. Sayang lang kasi that was my first achievement in life pero I’m renting another place already so sana I will be able to sell it and then everything will be recovered to me in Jesus’ time,” deklara pa ni Daiana.

-0o0-

SUMAGOT na si Direk GB kung bakit hindi niya napuntahan si Daiana.

“Actually, wala naman kasing humingi ng tulong, kaya paano ako tutulong? May nangyari lang daw na something na medyo umusok lang.

“Pero sabi ng guwardiya, e, okey na, kaya di na ako pumunta.” sey niya sa isang interbyu.

Kung alam daw niya na talagang may sunog dun ay susugod siya.

“Saka madaling araw yun, pagod ako, galing trabaho, kaya sa pagkasabi ng guwardiya na okey na, e, tinulog ko ulit,” deklara niya.

Nanghihinayang din siya sa nangyari sa relasyon nila pero malabo na raw na magkabalikan sila.

“Sa tingin, ko, e, hindi na siguro. Kumbaga, marami ang nangyari at patong-patong na ang akusasyon. Pero ako, e, sana, maging… Kumbaga, umaasa na after nito, e, ibang level na at maging magkaibigan kami,” deklara niya.

Tsuk!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply