Disbarment case ‘di uurungan ni de Lima

HINDI raw uurungan ni Justice Secretary Leila de Lima ang banta na sasamapahan ito ng disbarment case ng kampo ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo

Ito ay matapos na mainis ang kampo ng GMA sa hindi matapus-tapos na usapin hinggil pa rin sa pagpapagamot ng dating Pangulo sa ibang bansa  kung saan maging ang aplikasyon  para sa political asylum nito sa Dominican Republic ay masusi na ring ibineberipika ng Department of Justice.

Agad namang nagsalita ang kampo ni Arroyo sa pamamagitan ni spokesperson Elena Bautista-Horn at pinuna nito ang pagbibigay pahayag ng kalihim sa media ang hinggil sa political asylum ni Arroyo kung saan makikita sa larawan na nasa Dominican Republic ito at nabigyan pa ng award.

Naging palaban naman si de Lima sa naging banta ng kampo ni Arroyo at hinamon pa nito na ituloy ang paghahain nila ng disbarment case laban sa kanya.

Giit ng kalihim, ang mga ganitong patutsada at pag-atake sa kanya ay kinasanayan niya na at hindi siya uurong sa anumang pagbabanta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply