Disc jockey kritikal sa nasikong sanggano

MALUBHANG nasugatan ang isang disc jockey matapos tarakan ng hindi pa nakikilalang suspek na sinasabing sanggo na kanyang nasiko habang papasakay sa tricycle sa Valenzuela City kaninang hatinggabi.

Inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa katawan si Romeo Calido, 28, DJ sa Kissa Disco Pub House at residente ng Sebastian Bldg., Malinta ng lungsod.

Batay sa ulat, alas-12 ng hatinggabi, pumara ng tricycle ang biktima sa harap ng nasabing pub house sa Malinta.

Pagsakay ng biktima ay aksidenteng nasiko ang nakasakay na suspek na naging dahilan upang magalit.

Magpapaliwanag pa sana ang biktima subalit nagbunot ng patalim ang suspek at walang salitang tinarakan ang DJ.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa VGH kung saan inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng una.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply