Diver inatake sa ilalim ng dagat, patay

PATAY ang isang diver matapos atakihin sa ilalim ng dagat sa bayan ng Concepcion, lalawigan ng Iloilo.

Ayon kay SPO2 Gilbert Piedad, hepe ng Bantay Dagat ng nasabing bayan, sa Tago Island namatay ang hindi pa pinapangalanang biktima, isla na isang marine sanctuary.

Hindi umano namalayan ng mga kasamahan nito na inatake ang biktima sa ilalim ng dagat dahil hindi umano ito nagbigay ng signal sa kanila.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya para malaman kung walang foul play na nangyari sa pagkamatay ng biktima.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply