‘Divorcee haven’ ng DoT, tinuligsa ng mga Obispo

TINULIGSA ng mga Obispo ang kampanya ng Department of Tourism (DOT) na gawing “divorcee haven” ng mga dayuhan ang Pilipinas para lalo umanong dumami ang mga turistang bumisita sa bansa.

Ayon kina Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani at Lingayen-Dagupan Archbishop

Emeritus Oscar Cruz,  mali ang programa dahil hindi ito magandang pakinggan at nakasisira sa imahe ng Pilipinas.

Anila, ito’y  ‘sampal’ sa mga Pinay na nagmumukhang ‘cheap’ sa mata ng mga dayuhan.

Iginiit ni Bacani na hindi magandang tingnan na mistulang ipinagbibili ng DOT ang mga babae sa Pilipinas na mistulang mga ‘commodity’ na lamang.

“Hindi bale sana kung sinasabi ng DOT na ang Pilipinas is a place where they can think about things and reflect seriously about their life and see how the future direction

of their life can be. Pero mali na hikayatin mo ang mga divorcee na pumunta ng Pilipinas dahil marami ditong magagandang babae na hindi na kayo hihiwalayan. Hindi maganda na ititinda mo na parang commodity lamang ang mga Filipina.  Sampal ang programa sa kultura ng mga Pinay,” ayon kay Bacani.

Pahayag pa ng Obispo, mas magandang palakasin na lang ng DOT ang turismo ng bansa sa pamamagitan ng pagpu-promote ng mga magagandang lugar sa Pilipinas at isa-isantabi na ang ‘pagbebenta’ ng mga Pinay, bilang mabuting partner.

Sinabi naman ni Cruz na ‘nakakahiya’ at ‘nakakatawa’ ang bagong gimik ng DOT na maituturing na isip bata.

Ayon kay Cruz, ginagawang murang-mura at cheap ng DOT ang dignidad at kultura ng mga Filipina.

“Talagang wala na, ganito na lang ang kaisipan ng mga nasa pamahalaan, isip bata! Wala na bang maisip na mabuti-buti na hindi naman ang Pilipinas ay talagang nagiging

tampulan nang pintas na merong pinakamasamang airport, na merong pinakadelikadong lugar sa mamamahayag, maawa naman sila baka pagkatapos gagawin din nilang prostitute ang mga Pinay. Ang babaw at napaka-cheap ng pag-iisip ng mga nasa gobyerno,” aniya pa.

Tinawag din ni Cruz na utak “garbage can” at said na said na sa kaalaman ang gumawa ng nasabing slogan o marketing strategy.

Binigyang-diin nito na marami namang napakagandang lugar sa Pilipinas na dapat ibenta o i-promote ng mga taga-DOT tulad ng Palawan Underground River at Banaue rice terraces, kaya’t dapat na ito sana ang kanilang pagtuunan ng pansin.

Mungkahi pa ni Cruz kay PNoy, humanap ng mga mapagkakatiwalaang opisyal at hindi yaong mga walang laman ang isip upang mapakinabangan sa pagpapaunlad ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply