Dobleng budget ng DA okay sa Senado

SUPORTADO ng Senado ang hinihinging budget ng Agriculture Department para sa susunod na taon ng 2012 na umaabot sa kabuuang P61.73 billion, 60 per cent na mas mataas sa kasalukuyang budget ng ahensiya na P38.58 B.

Dinepensahan ng Senate committee on finance, ang presentasyon DA 2012 budget, sa idinaos na Senate plenary session noong November 17, 2011, na pinamunuan ni Senate President Juan Ponce Enrile.

Dahil dito, laking pasasalamat ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala ang buong suporta ng Senado na isang malaking hakbang para sa ahensiya at ng Aquino administration na makamit ang rice self-sufficiency target ng bansa sa katapusan ng 2013.

Kaugnay nito, umaasa naman ang Senado na magagawan na ng paraan ng ahensiya ang kanilang minimithing target dahil sa extraordinary na laki ng budget sa susunod na taon na makakatulong ng malaki na mapaunlad ng agriculture department ang pagsasaliksik para maiangat ang produksiyon pangunahing pagkain kabilang ang pagniniyugan sa tulong ng lokal at dayuhang mga siyentista.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply