Doctors ipinakalat ng DoH sa mga baryo

NAGPAKALAT ang Department of Health (DOH) ng mga doktor sa mga baryo ngayong buwan, sa ilalim ng Doctors to the Barrios (DTTB) Program, upang magbigay ng health care services.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, ang Batch 29 ng DTTB Program ang may pinakamalaking bilang ng mga doktor na naipadala nila sa mga baryo.

Ito ay binubuo ng 73 scholars na nakatapos ng medical school sa tulong ng Pinoy MD Medical Scholarship Program at ng First Gentleman Foundation, Inc. at pagsisilbihan ng mga ito ang 5th at 6th class municipalities sa bansa.

Ang mga naturang doktor ay itatalaga sa mga baryo sa Northern Mindanao (12 doktor), Eastern Visayas (10), Western Visayas (7), ARMM (7), Ilocos (6), Cagayan Valley (5), MIMAROPA (5), CAR (4), Central Visayas (4), Zamboanga Peninsula (3), Central Luzon (2), CALABARZON (2), Bicol Region (2), CARAGA (2), Davao (1) at SOCCSKSARGEN (1).

“The DOH is sending more physicians to identified priority areas to improve access to quality health care services as part of our program of “Kalusugan Pangkalahatan,” ani Ona.

Bukod sa pagbibigay ng health services, ang physicians ng DTTB Program, ay magsisilbi rin bilang health leaders at managers na mangunguna sa pagpapatupad ng health programs ng DOH sa mga komunidad.

Ang DTTB program ng DOH ay nasa ika-18 taon na ngayon at may layuning makapaghatid ng health care services sa buong bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply