DOE petiks sa pagbuklat ng libro ng oil companies- solon

ANIM na kompanya ng langis na ang nais na magpabukas ng kani-kanilang libro subalit hindi pa rin kumikilos ang Departement of Energy (DOE) sa pagbubukas nito, partikular na ng libro ng “Big 3” upang mawakasan na ang alegasyon   ng malawakang manipulasyon ng presyo ng langis sa bansa.

Ito ang pahayag ni Isabela Rep. Rodolfo B. Albano makalipas ang ilang buwan mula nang ipanawagan na buklatin ang libro ng mga oil company upang malaman kung makatwiran ang ginagawang pagtataas ng presyo ng mga produktong  petrolyo.

“Six oil companies have already agreed to open their books but why hasn’t the DOE done so?  It would have been an opportunity for the DOE to prove that it is actually after the welfare of the people and not the mouthpiece of the oil firms as alleged by some quarters,” ani Albano.

Kabilang sa anim na kompanya ng langis na pumapayag nang magpa-review ay ang Chevron Philippines, Liquigaz Philippines Corporation, Petron Corporation, PTT Philippines Corporation, Pilipinas Shell Petroleum Corporation at Total Philippines Corporation, pawang miyembro ng Philippine Institute of Petroleum (PIP).

Ani Albano kailangan nang masuri ang libro ng mga kompanya upang madetermina kung may basehana ang mga paratang na nag-o-overprice ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply