DOH: Maging maingat sa bibilhing pangregalo

MAGIGING basusi sa mga binibiling mga pangregalo lalo na ang mga laruang pambata.

Ito ang paalala ni National Epidemiology Center (NEC), Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag sa publiko na abala na sa pamimili ng kanilang mga pangregalo sa kanilang mga inaaanak at mahal sa buhay.

Ngayon pa lamang ay dagsa na ang mamimili sa mga malls sa Divisoria bagama’t may 40 araw pa bago sumapit ang Pasko.

Sinabi ni Tayag na dapat basahin ang label ng mga laruan kong ligtas ito sa kalusugan ng mga bata.

Karamihan aniya sa mga ibinebentang laruan ngayon sa mga malls ay may taglay na kemikal na maaring makasira at makaaapekto sa kalusugan ng isang tao partikular sa mga bata kaya naman kailangan umanong busisiin mabuti ang bawat laruan na kanilang bibilhin.

Pinayuhan din ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag basta kumagat sa murang halaga ng laruan at sa halip ay dapat tignan ang maaring idulot nito sa kalusugan ng mga bata. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply