DOH muling nagbabala sa mga sakit ngayong taglamig

MULING nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko ukol sa mga sakit gaya ng pneumonia at tigdas na dulot ng malamig na panahaon.

Sinabi ni Dr.Eric Tayag, ang mga nabanggit na sakit ay karaniwang kumakalat sa panahon ng taglamig at labis na naaapektuhan ang mga bata at matatanda.

“Ang panahon ng taglamig ay maaaring magbigay ng panganib sa ating kalusugan lalo na sa mga bata at senior citizen,” ani Ttayag.

Ang mga bata aniya ay madaling dapuan ng sipon, ubo at lagnat.

Payo ni Tayag na kapag umabot ang lagnat ay umabot ng limang araw ay mabuting komunsulta na agad sa doktor.

Dapat din ugaliing uminom ng maraming tubig at fluid gaya ng juice at kumain ng masusustansiyang pagkain tulad ng prutas at gulay at magkaroon ng regular na ehersisyo.

Ayon kay Tayag maiiwasan ang pagkakaroon ng naturang sakit kung magkakaroon ng proper hygiene gaya ng wasto at palagiang maghuhugas ng kamay.

Dapat aniya ding magsuot ng jacket, scarf at iba pang makapal na damit tuwing lumalabas ng kanilang bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply