DOH nagbabala sa ‘recycled veggie’ sa palengke

NAGBABALA ngayon ang Department of Health (DOH ) at Manila Sanitary Inspection (MSI) sa publiko na mag-ingat sa pagbili ng mga gulay sa palengke at tiyakin na hindi ito “recycled” o patapon na at muling ibinebenta.

Partikular na tinukoy ang insidente sa Divisoria na kung saan ay nabatid na ilang mga tindero ang namumulot ng patapong gulay doon tuwing alas-6:00 ng umaga.

Ayon kay Engr. Bryan Baltazar, inspektor ng MSI, na ang Divisoria ang bagsakan ng mga gulay, prutas at iba pa. Mahigpit nilang ipinagbabawal ang pamumulot ng mga tira-tirang gulay sa nasabing lugar ngunit aniya, sadya umanong matitigas ang ulo ng mamamayan.

“Tuwing alas-sais kasi ng umaga ay hinahakot na ng truck ng basura sa Divisoria kaya naman yung mga tindero at tindera ay pinupulot at kinukuha na yung maaari pang ibenta bago pa man dumating yung truck.” sabi ni Baltazar.

Ayon kay DOH medical specialist Dr. Anthony San Juan, maaring ma-food poison ang sino mang makakain ng mga recycled na gulay dahil ito ay tiyak na nakapitan na ng iba’t ibang klase ng mikrobyo na makakasama sa kalusugan ng tao.

Dahil dito, pinayuhan ng dalawang opisyal ang mga mamimili na huwag basta-basta bumili ng gulay lalo na ngayong nalalapit na ang Pasko kung kailan talamak ang pananamantala ng mga tindero’t tindera.

Anila, dapat tiyakin na sariwa ang nabibiling gulay upang hindi malagay sa panganib ang kalusugan.

Dagdag pa ni Dr. San Juan, ang mga lanta o hindi sariwang gulay, lamog at yung himay-himay na ay nangangahulugan na pinulot na ito sa basura.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply