DOH naghahanap ng nurse, midwife

NAGHAHANAP ang Department of Health (DOH) ng mga nurse at midwife na ipadadala sa mga lalawigan, sa ilalim ng 2nd Batch ng Registered Nurses for Health Enhancement and Local Service (RNheals II) at Rural Health Midwives (RHM) Placement Program nito.

Ayon sa DOH, on-going ang recruitment nila ng 11,500 nurse sa mga DOH-Hospitals at health facilities sa ilalim ng RNheals II at may 1,000 midwife naman ang ipapadala sa mga malalayong komunidad para sa RHM Placement Program.

Isang taon tatagal ang deployment at sa loob ng naturang panahon ay inaasahang sasailalim sila sa learning at development sa clinical at public health.

Ang mga deployed nurses ay tatanggap ng monthly allowance na P8,000 at P6,000 naman para sa mga midwives.

Pagkakalooban rin sila ng PhilHealth Insurance at GSIS Group Accident Insurance at ang DOH hospitals kung saan sila nakatalaga ang siyang sasagot sa pagkain ng mga nurse sa tuwing sila ay naka-duty.

Tiniyak rin ng DOH na ang mga nurse at midwives na nakatalaga sa Rural Health Units ay tatanggap ng additional assistance tulad ng lodging at meals mula sa Local Government Units (LGUs), tulad ng isinasaad sa Joint Memorandum Circular No. 2011-0044 sa pagitan ng DILG, DOH at DSWD.

Ang tagumpay na makakakumpleto ng programa ay bibigyan ng Certificates of Completion at ikukonsidera para sa “priority employment” sa mga government health facilities sakaling magkaroon ng bakanteng posisyon.

Ayon sa DOH, ang mga interesadong mag-aplay ay maaaring magsumite ng resume sa mga DOH Hospital at DOH Centers for Health Development sa kanilang lugar.

Kinakailangan lamang umanong lisensiyado ang mga ito ng Professional Regulatory Commission, physically at mentally fit, at mayroong medical certificate mula sa isang government hospital.

Layunin ng RNheals II na madagdagan pa ang kakulangan ng nursing workforce sa mga DOH hospitals at mga health facilities ng mga Local Government Unit (LGU) para mapaganda ang patient care at health services doon habang layunin naman ng RHM Placement Program na mapanatili ang pokus sa mga komunidad na may mataas na maternal at child morbidity at mortality rate.

Pebrero 2011 nang unang magpadala ng 10,000 nurses (RN Heals Batch I) ang DOH sa mga mahihirap na komunidad bilagn suporta sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Kyle Gatus

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply