DOH nakaalerto sa ‘evolved’ breed ng lamok

NAKAALERTO ngayon ang Department of Health (DOH) sa mga bagong uri ng lamok na may dalang dengue dahil nakakapagngitlog at nakakapagparami na ang mga ito kahit sa maruruming lugar tulad ng septic tank.

Sinabi ni Dr.Eric Tayag ng National Epidemiology Center  na ang mga lamok ay maaring nabago ng kanilang kapaligiran.

Hinalimbawa ni Tayag na ang “evolved” breeds ng lamok ay puwedeng makapangitlog sa mga polluted na tubig tulad  sa Peru.

Sa bansa, sinabi ng opisyal na  hindi nila isinasantabi ang posibilidad na ang mga lamok dito  ay maari ding mag-evolve sa mga lugar na marurumi.

Gayunman, patuloy naman aniya ang gobyermo sa pagpapaalala sa mga mamayan na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran upang maiwasan ang pangingitlog ng mga lamok na may dalang dengue.

Samantala, sinabi pa ni tayag na bumaba naman ang bilang ng kaso ng naturang sakit ngayong Oktobre 2011.

Nakapagtala lamang ang DOH hanggang noong Oktubre 22 ng may 97,158 kaso na mas mababa kumpara sa 153,906 kaso sa kaparehong buwan noong nakalipas na taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply