DOH pinag-iingat ang publiko sa AH1N1 virus

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) na mag-ingat din ang publiko hindi lamang sa sakit na influenza-like illness kundi maging sa AH1N1 virus.

Sa tala ng DOH-Cordililera, umaabot na sa 118 bilang ng kaso ng nasabing sakit sa Baguio City mula sa buwan ng Enero hanggang Oktubre 1 nitong taon.

Inaasahan pa umanong tataas pa ang bilang ng kaso ng naturang sakit dahil na rin sa pabago-bagong temperatura ng panahon.

Sinasabing  ang AH1N1 virus ay mas madaling kumalat  dahil sa pagbaba ng temperatura.

Una nang nagbabala  sa publiko ang kagawaran laban sa sakit na nakukuha sa malamig na klima na tulad ng sipon, ubo, trangkaso at pneumonia. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply