DOH, pribadong sektor nagtulong laban sa leptospirosis

NAGTULONG ang Department of Health (DOH) at isang pribadong sektor upang puksain ang leptospirosis, isang uri ng sakit na nagmumula sa bakterya na lestospira na mula sa dumi at ihi ng hayop gaya daga.

Inilunsad ng DOH at ng sikat na pest control company ang “Rat Attack Campaign” sa Marikina City at Barangay Rizal sa Pala-pala, Iloilo upang malabanan ang naturang sakit.

Hinikayat rin ng ahensya at ng kompanya ang publiko na parating maging malinis sa kapaligiran at gumamit ng pamatay-peste upang mapigilan ang pagdami ng daga na nagdadala ng leptospirosis lalo na sa panahon ng tag-ulan.

Ang programa ay binuo kasunod ng ulat ng DOH na umabot ng 194 na porsiyento ang itinaas ng bilang ng mga nagka-leptospirosis ngayong taon.

Lumitaw din sa talaan ng DOH na sa 2,061 kaso ng leptospirosis mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito, 156 na ang namatay.

Pag-iwas sa sakit

1. Kung maiiwasan ay huwag lumusong sa baha. Kung hindi maiiwasan, tiyakin na walang sugat ang mga paa kung mapipilitang lumusong sa baha.

2. Tiyaking malinis ang mga pagkain at inumin, maging ang mga kagamitan o kasangkapan na ginagamit sa pagkain at pag-inom.

3. Palaging panatilihing malinis ang labas at loob ng bahay. Kung mapananatiling malinis ang kapaligiran ay tiyak na iiwas ang mga daga. Love kasi ng mga daga ang marurumi at madidilim na lugar kung saan sila pwedeng magtago, mabuhay at dumami. Pinaka-mainam na puksain rin ang daga sa inyong tahanan, at lalong mas mabuti kung sa buong pamayanan.

4. Kung makitaan ng sintomas (pangingikig, mataas na lagnat, pagsakit ng ulo at katawan) ang isang tao ay agad na magpasuri sa manggagamot upang malunasan.

Tandaan din na ang malalang kaso ng sakit ay maaaring mauwi sa kumplikasyon tulad ng:
1. meningitis
2. renal failure
3. respiratory distress
4. kamatayan

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply