DOH sa mga may sakit sa baga: Iwasan ang paputok

MULING nagpaalala ang Department of Health (DOH) kaugnay pa rin sa inilunsad na kampanya laban sa paputok sa pagselebra ng Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa kagawaran, dapat na umiwas ang mga tao lalo na ang mga mayroong karamdaman sa baga na umiwas sa mga paputok upang hindi nila malanghap ang usok na nalilikha nito.

Partikular na pinag-iingat ng DOH ang mga taog may hika na kapag nakalanghap ng usok mula sa paputok ay lalong mahihirapang huminga.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, kailangang magtulong-tulong ang lahat upang maiwasan ang paggamit ng mga pasaway ng mga paputok na hindi lamang mapanganib sa mga gumagamit nito kundi maging sa mga taong may sakit sa baga.

Pinayuhan din ng DOH ang publiko na mas mainamn na gumamit na lamang ng torotot at iba pang bagay na lumilikha ng ingay sa pagdiriwang ng Bagong Taon upang makatiyak ang kaligtasan.

Base sa datos ng DOH, nito lamang nakaraang taon ay mahigit na 1,000 ang nabiktima ng paputok, 39 dito ang tinaman ng ligaw na bala ng baril habang 11 naman ang nakalulon ng watusi.

Dahil dito, mahigpit pa rin ang kampya ng DOH laban sa paputok.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply