DOH: Walang problema sa medical condition ni GMA

INIHAYAG na ng Department of Health (DOH) na walang problema sa medical condition dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Health Secretary Enrique Ona, dinalaw niya ang dating Pangulo at personal niyang sinuri ang medical condition nito.

Matatandaan na humingi ng opinyon at tulong ang Department of Justice (DOJ) sa DOH hinggil na rin sa hinihinging Allow Departure Order (ADO) ni Arroyo para sa kanyang pagpapagamot sa ibang bansa.

Maliban sa pahayag ni Ona na walang problema sa medical condition ng dating Pangulo ay hindi na ito nagbigay ng ano pang detalye.

Bukas (Nobyembre 2) inaasahang isumite ni Secretary Ona sa DOJ ang kaniyang official report. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply