DOJ ‘di ibinasura ang plunder charge vs GMA

MARIING pinabulaanan ng Department of Justice (DOJ) ang ulat na lumabas sa ilang pahayagan na inabsuwelto nila sa kasong plunder ang dating Pangulong Arroyo kaugnay sa bentahan ng Iloilo airport.

Ayon kay Prosecutor General Claro Arellano, inirekomenda nila ang naturang usapin sa tanggapan ng Office of the Ombudsman.

Nag-ugat ang nasabing reklamo sa inihaing impormasyon ng informant na si Danilo Lihay-Lihay laban kay dating Pangulong Arroyo na iligal umano ang nangyaring bentahan ng lumang Iloilo Airport sa Megaworld Corporation noong 2007.

Nilinaw pa ni Arellano, na kaya nila ipinasa sa Ombudsman ang naturang kaso ay para mapag-aralan kung may merito o wala ang naturang reklamo.

Kinukuwestyon sa usapin kung dapat buwisan ang nangyaring bentahan sa nasabing ari-arian. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply