DOJ hindi pa rin papayagang makaalis si GMA

IGINIIT pa rin ng Department of Justice na hindi pa rin nila papayagan na makalabas sa bansa si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang motion for reconsideration sa temporary restraining order ng SC sa watchlist order laban sa dating Pangulo.

Ayon sa DOJ, hindi umano sakop ng TRO ang kasong electoral sabotage na isinampa laban sa dating Pangulong Arroyo sa Pasay Regional Trial Court kanina.

Sinabi naman ni Solicitor General Anselmo Cadiz, sapat na ang naturang kaso para pigilin ang mga Arroyo na makalabas ng bansa.

Ani Cadiz, nirerespeto nila ang SC ruling ngunit iba na ang sitwasyon ngayon kung ikukumpara sa unang paglabas ng TRO noong Martes.

Gayunman, nakahanda umano si Cadiz na harapin ang posibleng epekto ng kanilang paninindigan.

Samantala, naghahanda na ang pamunuan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City.

Ayon sa pamunuan ng paliparan, kanilang papayagan na maka-alis si Gng. Arroyo dahil wala namang umiiral na hold departure order laban sa mambabatas.

Kaugnay nito, hindi pa mabatid kung babalakin ba ng kampo ni Gng. Arroyo na lumabas ng bansa ngayong araw.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply