DOJ inatasan ang NBI na makipagtulungan sa Interpol vs Ramona

INATASAN na ng Department of Justice (DOJ) ang  National Bureau of Investigation (NBI) na makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol ) upang mahanap ang kinaroroonan ni Ramona Bautista na itinuturong kasabwat sa pagpatay sa kapatid na si Ramgen Revilla.

Ayon sa DOJ, pinag-aaralan na rin kong maaring mailagay sa “red notice list” ng Interpol si Ramona.

Si Ramona ay malayang nakalabas ng bansa noong Biyernes dahil na rin sa kawalan ng warrant of arrest at hold departure order mula sa Bureau of Immigration.

Sa record ng BI, si Ramona ay inaasahang nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang asawa sa bansang Turkey.

Ang pakikipag-ugnayan ng NBI sa Interpol ay nauna na ring binalak ni Senator Bong Revilla dahil sa umanoy isa lamang na senyales ng pagiging “guilty” ang pag-alis ni Ramona sa bansa.

Sa mga naging pahayag ng senador, aminado itong isang malaking dagok ngayon ang pinagdadadanan ng pamilya Revilla kung saan magkakapamilya rin ang mga involve sa kaso.

Gayunman, giit ng senador na dapat lamang na managot ang may sala at maparusahan ang dapat maparusahan upang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang kapatid na si Ramgen. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply