DOJ maghahain ng urgent motion for reconsideration sa TRO ng SC

MAGHAHAIN ng urgent motion for reconsideration ang Deparment of Justice (DOJ) ukol sa pagbibigay ng temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema laban sa watchlist order ng ahensya kina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at dating First Gentleman Mike Arroyo.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima sa isang press conference, na hindi pa dapat kilalanin ang TRO dahil hindi pa natatanggap ang opisyal ng kopya ng nasabing direktiba.

Tahasang kinuwestiyon din ng Kalihim ang pagbibigay ng TRO sa mag-asawang Arroyo dahil mayroon pang  nakatakdang oral arguments hinggil sa kaso sa susunod na linggo.

Naniniwala rin si De Lima na hindi garantiya ang ibinigay na kundisyon ng Korte Suprema upang tiyakin na babalik pa ng bansa ang mga Arroyo.

Sabi pa ni De Lima, na inatasan na niya ang Department of Transportation and Communcations (DOTC) at Bureau of Immigration (BI) na ituloy pa rin ang watchlist order laban sa mag-asawang Arroyo dahil wala pang bisa ang nasabing TRO.

Ipinagtataka rin ng Kalihim na kung bakit atat na atat umalis ng bansa ang mag-asawa gayong hind naman ganoon katindi ang pangangailangan nilang umalis ng bansa.

Ito ay kasunod ng ulat na nagpa-book na ang mag-asawa patungong Singapore kaninang alas-4:00 ng hapon.

Duda pa rin si De Lima sa tunay na motibo ng mag-asawa sa paglabas ng bansa.

Kaugnay nito, aminado si De Lima na naiinis siya sa mga ginagawang pananakot ng kampo ng mga Arroyo gaya ng disbarment at forced resignation.

Mariin namang sinabi ni De Lima na kalimutan na ng mga Arroyo ang hakbang nila laban sa kanya dahil hindi umano magtatagumpay ang mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply