DOJ, OSG naghain ng urgent MR at motion to lift TRO

NAGHAIN ngayon ng urgent motion for reconsideration at motion to lift the temporary restraining order (TRO) ang Department of Justice (DOJ) at Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay ng TRO ng Korte Suprema laban sa watchlist order kina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at dating first gentleman Mike Arroyo na inilabas kahapon (Nobyembre 15).

Ayon sa DOJ at OSG, para na ring kinampihan ng Korte Suprema ang mag-asawang Arroyo sa kanilang ginawa.

Anila, presumed valid and constitutional ang Department Order 41 na nagbibigay kapagyarihan sa DOJ na maglabas ng watchlist order.

Hindi umano absolute ang right to travel ng isang tao dahil mayroon itong mga exception.

Okay lang naman kay Justice Secretary Leila de Lima na batikusin siya at kahit ipa-disbar pa dahil alam niyang sa huli ay kakatigan ng Korte Suprema ang kapangyarihan ng DOJ para magpalabas ng watchlist order.

Ani De Lima, hindi unanimous ang desisyon ng Korte Suprema sa paglalabas ng TRO kaya posibleng makumbinsi niya ang mga mahistrado kapag naipaliwanag na nila ang kanilang panig.

Sinabi ni De Lima, may nakatakdang oral arguments sa Nobyembre 22, kaya nga nagtataka sila kung bakit nagmamadaling umalis ang mga Arroyo.

Ayon naman kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda, hindi matter of life and death ang pinag-uusapan sa pag-alis ni Arroyo.

Nagpapaawa aniya lamang umano ang mga ito at kumukuha ng simpatiya dahil alam nilang sa simula pa lamang ay haharangin na sila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply