DOJ pagpapaliwanagin ng SC

HIHILINGIN ng Korte Suprema na magpaliwanag ang Department of Justice (DOJ) sa hindi nito pagkilala sa Temporary Restraining Order (TRO) na nagpapahintulot kay dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo na makaalis ng bansa upang makapagpagamot.

Sinabi ni SC spokesman Jose Midas Marquez na ang Korte Suprema ay maari ring  mag-isyu ng “Show Cause and Comply” order sa DOJ.

“We will ask Justice Secretary Leila de Lima and the department officials why they did not comply with the order,” ayon kay Marquez.

“But of course, before we can say with finality there is a violation we have to observe due process first,” dagdag ni Marquez.

Sa ilalim ng Rules of Court, ang bumalewala sa kautusan ng SC ay mahaharap sa multa na P30,000 o/at pagkabilanggo hanggang anim na buwan.

Sa kabila naman ng ipinalabas na TRO ng Korte Suprema na makakalabas nang bansa ang dating Pangulo at dating FG ay naharang pa rin sila ng Bureau of Immigration.

Dahil dito, nagpalipas na lamang ng gabi si GMA sa St. Luke’s Medical Center na ‘di kalayuan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Nagbanta naman ang kampo ni Arroyo na maghahain sila ng contempt charges laban sa DOJ dahil sa pagbabalewala nito sa kautusan ng Korte Suprema.

“Even if Arroyo’s camp does not file contempt charges, the high court can have the DOJ comply with its TRO with a “Show Cause and Comply” order. You are directed to show cause why you should not be held in contempt and to comply with the TRO,” ani Marquez. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply