DOJ umaasang kakatigan ng SC ang joint panel

UMAASA ang Department of Justice na kakatigan ng Korte Suprema ang joint panel hinggil sa inihaing petisyon ng dating Pangulong Gloria Arroyo laban sa legalidad ng joint Comelec-DoJ panel.

Ayon kay Justice Undersecretary Francisco Baraan, posibleng mabalewala ang naisampang kaso laban kay GMA sakaling mapaboran ito ng Korte Suprema.

Dahil dito, pinangangambahan na maaring mapawalang-bisa ang arrest warrant kay Arroyo kung ideklara ng Korte Suprema na labag sa Saligang Batas ang pagkakabuo ng panel.

Gayunman, sinabi ni Baraan na kumpiyansa silang may legal na basehan ang panel na nag-imbestiga sa election fraud na umano’y kinasangkutan ng dating Pangulo.

Maaari naman aniyang i-deputize ng Comelec ang mga piskal para dinggin ang mga election cases kaya walang problema sa binuong panel. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply