DOJ umaasang kusang susuko ang mag-asawang Ligot

UMAASA si Justice Secretary Leila de Lima na kusang susuko ang mag-asawang Ligot matapos ang matagal nang paghahanap sa kanila kaugnay pa rin sa kinahaharap nilang kasong tax evasion case.

Sinabi ng kalihim, na inaasahan din niyang agad silang maghahain ng kanilang piyansa upang sa ganun ay hindi sila makulong.

Ito ay matapos na ipag-utos ng Court of Tax Appeal ang  pag-aresto sa dating military comptroller Jacinto at asawa nitong si Erlinda Ligot.

Kamakailan lamang ay ipinag-utos na rin ng Department of Justice (DOJ) sa  National Prosecution Service  na hilingin sa Court of Tax Appeal ang  pag-isyu ng hold departure order laban sa mag-asawa upang makaiwas sa tangkang paglabas ng bansa ang mga ito.

Nauna na ring tinugis ng Philippine National Police (PNP) sa probinsya ang magasawang Ligot sa prosible nilang pinagtataguan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply