Doktora inagawan ng brand new car

NATANGAYAN ng brand new car ang isang doktora ng tatlong ‘di nakilalang suspek kaninang umaga sa Sta. Ana, Maynila.

Personal na nagtungo sa Manila Police District- Anti carnapping and hi-jacking unit ang biktimang si Janette Tuquero, 55, obstetrics at gynecology at residente ng Roxas st. Sta. Ana, Maynila upang ireport ang pangyayari.

Ayon kay Tuquero, dakong alas-5:00 ng umaga nang papasakay na ito sa kanyang sasakyan na Hyundai (PBO-260) na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay nang bigla na lamang sumulpot ang tatlong ‘di nakilalang suspek at agad siyang tinutukn ng .45 kalbre ng baril.

Puwersahan umanong kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at saka mabilis na pinasibat ang kotse patungo sa ‘di amlamang direksyon.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya para makilala ang mga karnaper at mabawi ang sasakyan ng biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply