Dole binuweltahan ang DFA

BINUWELTAHAN ng Department of Labor and Employment (Dole) ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay sa pansamantalang pagpapatigil ng deployment ban sa 41 bansa.

Ayon kay Dole Undersecretary Danilo Cruz, kahit sila mismo ay naguguluhan sa pahayag na ito ng DFA dahil sa kanilang tanggapan galing ang nabanggit na direktiba.

Paliwanag pa nito na ang direktiba ay dumaan sa tamang proseso at mayroong rekomendasyon mula mismo sa DFA.

Sinabi ng DFA na posibleng maapektuhan ang relasyon ng Pilipinas at mga naturang bansa na ipinatutupad ang deployment ban habang nangangamba rin ang ahensya na baka pag-initan ang mga Pinoy sa mga bansang kabilang sa naturang listahan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply