DOTC dapat sumunod sa DOJ

DAPAT sundin ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang kautusan ni Justice Secretary Leila de Lima na huwag payagang makalabas ng bansa sina dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo at dating first gentleman Mike Arroyo.

Ayon kay Transportation Secretary Mar Roxas ginagawa lamang nila ang kanilang tungkulin.

Ngunit hindi umano nila pipigilan ang mag-asawa na makapasok sa gusali ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pinayagn din umano silang makagamit ng Dignitaries Lounge at tarmac.

Sa kasalukuyan, nakabantay rin ang DOTC dahil may balita silang natanggap na muling tatangkain ng mga Arroyo na umalis ngayong araw na ito patungong abroad.

Possible umanong mag-chartered flight na lamang ang mag-asawa.

Gayunman, muli umanong pipigilan ang mga Arroyo kung hindi pa rin nila natatanggap ang kopya ng temporary restraining order.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply