Drayber kritikal sa makulit na kainuman

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang drayber matapos na saksakin ng kainuman nang umuwi ang una dahil sa makulit na ang huli sa Navotas kagabi (Nobyembre 20).

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa likod si Agapito Vinas, 36 at taga-Bahay Toro, Quezon City.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Jerome Lazarte, nasa hustong gulang at rsidente ng Mandaragat St., Dagat-dagatan ng lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-11 kagabi, kainuman ng biktima ang suspek at ilang kaibigan sa Mandaragat St., hanggang sa naging makulit na si Lazarte dahil sa alak.

Upang hindi na makulit ng suspek ay umayaw na sa tagay ang biktima at nagpaalam na uuwi na.

Naglakad ang biktima subalit hindi pa nakakalayo ay sinundan ito ng suspek at sinaksak.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang naitakbo naman sa naturang pagamutan ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply